Baustoffwerke Havelland: Berlin, Germany

Pangunahing sandigan ng produksyon

Baustoffwerke-main.jpg12 buong oras ng operasyon araw-araw, 230 araw kada taon, aabot sa 5 tonelada kada siklo at napakahalaga para sa produksyon: Ang Baustoffwerke Havelland ay gumagawa ng mga kagamitan sa pagtatayo ng gusali at, simula Marso 2017, ay nakadepende sa Yale GDP120DC Heavy Duty Forklift Truck na isinuplay ng Yale dealership na MF Gabelstapler Service GmbH. Matatagpuan ang Baustoffwerke Havelland sa hilagang kanluran ng Berlin kung saan ito gumagawa ng mga brick para sa industriya ng pagtatayo ng gusali.

Nagsusuplay ang kompanya ng modular kit para sa industiya ng pagtatayo ng gusali. Ipinadadala ng mga arkitekto ang CAD data nang direkta sa tagagawa ng mga sand-lime na brick, na pagkatapos ay siyang gagawa ng eksaktong “plane-elements” na handa nang buuin sa site ng gusali. Bagama’t ginagawa nitong mas madali ang mga bagay-bagay para sa tagabuo, mahirap na pagsubok ito para sa mga gumagawa: ang mga plane-element ay mayroong iba’t ibang sukat at lapad na umaabot sa isang metro. Dahil ibinibenta ang mga ito nang kada piraso, walang katuturan ang pagpapaleta: ang forklift na trak ay kinakailangan sa dulo ng linya ng produksyon ng plane-element. Binubuhat ng trak ang aabot sa 20 elemento na may kabuuang timbang na hanggang 5 tonelada at inililipat ang package sa panlabas na lugar ng imbakan ng kompanya. Kapag oras na ng paghahatid sa lugar, kinukuha ng forklift ang tinukoy na item at inilalagay ang mga ito sa isang lorry - tuluy-tuloy, 230 araw sa isang taon.

Pangmatagalang katatagan

Gumana nang mahusay ang sistemang ito sa loob ng ilang taon, ngunit noong 2016 nagpasya ang kompanya na ipakilala ang back-up factor sa warehousing logistics nito sa pamamagitan ng pagbili ng pangalawang heavy duty na forklift truck, lalo na’t ang dating modelo ay ilang taon nang nasa serbisyo. Bukod sa teknikal na detalye, binantayan din ng gumagawa ng mga kagamitan sa pagtatayo ng gusali ang kabuuang gastos. “Walang saysay kung mababa ang gastos sa paunang puhunan ngunit mataas naman ang aming mga gastos sa operasyon, mahabang panahon nang nakatigil o mataas na gastos sa pag-maintenance,” pagpapaliwanag ni Olaf Lilie. Ang mahalagang bagay rito ay ang pangmatagalang ekonomiya, kung saan kabilang din ang tagal ng pagtugon sa serbisyo. Mr Lillie, “Ang mahalagang punto nito ay kailangan namin ng malakas na katatagan.” Na nangangahulugang isang mabigat na gawaing 12 toneladang forklift, dahil ang kompanya ng mga kagamitan sa pagtatayo ng gusali ay hindi gustong magbakasakali sa mas maliit na trak upang hawakan ang madadalas na mabibigat na karga at inilalagay sa panganib ang mas matagal na panahon ng pagkasira. Ang bagong trak ay kailangang mabigat na gawain at maaasahan at may kakayahang gumalaw nang mabillis sa paligid.

Nagtanong-tanong ang Baustoffwerke Havelland, at nakatanggap ng maraming pag-aalok ngunit agad na pinili ang yunit ng Yale. Nag-alok ang MF Gabelstapler ng isang modelo na maihahambing sa kasalukuyang pincer stacker kung saan nakakuha sila ng magandang karanasan sa loob ng higit sa limang taon. Lilie, “Pinili namin kung alin ang kilala at gusto namin. Ayaw namin ng anumang pag-eeksperimento.” Mayroon silang tiwala sa produkto ng Yale batay sa mga dating karanasan.

Pagpapasadya mula sa unang hanay

Ang pagbili ng standard na forklift na trak para dito sa mabigat na gawain ay hindi angkop na pagpipilian para sa Baustoffwerke Havelland. Ang pangunahing tampok ng GDP120DC sa Havelland ay ang hydraulic brick clamp na isinusuplay ng Steinweg Klammersysteme. Ang clamp ay isang pinahabang bersiyon na may kabuuang lapad na 230 sentimetro, na tumutugma sa sukat ng large format plane-elements. Mayroong espesyal na coating ang mga grab upang sabay ang mga ito na makapagbuhat ng mga batong walang balot at mayroong balot na plastic. Pinadadali ng ilaw na LED sa grab ang trabaho kapag madilim – isang karagdagang tampok na iminungkahi mismo ng mga tsuper ng trak.

Prayoridad ng Baustoffwerke Havelland na isama ang mga mungkahi ng mga tauhan sa pagpili nitong mahalagang piraso ng kagamitan. Kabilang sa mahahalagang aspektong isinulong ang pagpapabuti ng kaginhawahan at kapakanan ng mga operator sa trabaho: ang sasakyan ay mayroong upuan na may air suspension, pinalapad na sandalan, suportang panlikod at may pampainit. Ang fully glazed cabin ay nilagyan ng recirculating air system at air conditioning, ilaw para sa pagbabasa at estante para sa mga dokumento, na idinisenyo lahat para mapadali ang kapaligiran sa pagtatrabaho, pati na rin ng radyo bilang libangan. “Mahalaga sa amin na ang aming mga tauhan ay mayroong isang mabuti at ligtas na lugar sa pagtatrabaho,” sabi ni Olaf Lilie.

Isang tumatagal na pagsososyo

Ang forklift ay nasa serbisyo na sa Baustoffwerke Havelland simula pa noong Marso 2017: ang availability at ang pagganap nito ay tama lamang, ayon kay Olaf Lilie. Mahusay at diretso rin ang pakikipag-ugnayan sa dealer. Napanatili ng MF Gabelstapler ang pakikipag-ugnayan sa Baustoffwerke Havelland pagkatapos ng pagbenta at nagsikap nang mabuti upang matugunan ang mga kailangang forklift na trak ng kompanya. Mr Lilie, “Pakiramdam namin ay nasa mabuti kaming mga kamay.”

Ano Ang Mga Sinasabi Ng Aming Mga Customer

"Alam nila kung ano ang kanilang mga sinasabi. Kinalaunan ay sumang-ayon kami sa MF Gabelstapler tungkol sa detalyadong ispesipikasyon. Walang reklamo tungkol sa kalidad ng serbisyo."

Olaf Lilie - Technical Manager, Baustoffwerke Havelland