Marston’s Brewery: West Thurrock, UK

Tinutulungan ng Yale at Briggs Equipment ang Marston’s na mapanatili ang mahigpit na pagkakahawak sa stock nito

Marstons-main.jpgMaaaring walang katiyakan ang mahusay na paglilipat ng mga karga sa industriya ng inumin, lalo na sa isang kompanyang tulad ng Marston’s na siyang humahawak ng mga keg, cask, spirit at soft drink sa 14 nitong depot sa buong UK.

Para sa operasyong humahawak ng sari-saring karga na may iba’t ibang hugis at sukat, ang one size fits all na pamamaraan sa mga pangangailangan nito sa paghawak ng mga materyales ay imposibleng maihatid ang kinakailangang antas ng pagiging produktibo. Habang pinalalawak ng Marston’s ang negosyo nito, lumapit ito sa pinagkakatiwalaang kasosyo ng Yale, ang Briggs Equipment, para sa isang iniakmang solusyon.

May kasaysayan ang Marston’s na nagsimula noong 1890 nang una itong tumakbo bilang Wolverhampton and Dudley Breweries. Bilang nangungunang independyenteng pub retailing and brewing business ngayon, nagpapatakbo ang kompanya ng humigit-kumulang 1,600 pub na may 14,300 empleyado sa buong UK, at nananatiling kaisa-isang brewer na gumagamit ng Burton Union Sets, isang sistema kung saan ang mga bariles ay nakakabit sa tubo sa panahon ng fermentation.

Nauunawaan ng mga eksperto ng industriya sa Yale Europe Materials Handling ang mga pagsubok na nauugnay sa paghahawak ng maramihang bariles at paleta, kabilang ang pagkarga at pagdiskarga ng mga trak. Ang pag-unawang ito ay naging susi sa matagumpay na relasyon sa pagitan ng Briggs Equipment at Marston’s.

Kasunod ng pagbili sa Brewing at Beer business ng Charles Wells at iba’t ibang kontrata ng pagsusuplay noong 2017, pinili ng Marston’s na ilipat ang operasyon ng pamamahagi nang in-house sa isang bagong lugar sa West Thurrock.

Naglabas ang Marston’s ng detalyadong pag-alok bilang bahagi ng isang buong grupong pagbili at kinailangan ang isang fleet na pangunahing maglilipat ng mga paleta ng serbesa, espiritu at soft drinks pati na rin ng mga produktong bariles at cask sa mga trak sa tabi ng bangketa para sa onward na pamamahagi.

Pagtukoy sa eksaktong mga pangangailangan

Sinabi ni Kevin O’Rourke, Group Fleet Manager sa Marston’s, na: “Malapit ang samahan namin sa Briggs sa loob ng ilang taon, kaya nakipag-ugnayan kami sa aming tagapamahala ng account at inimbita sila sa lugar. Ipinaliwanag namin ang gusto naming gawin at kung ano ang kailangan, at sinuportahan nila kami sa lahat mula sa pagpili ng fleet hanggang sa pagsasalansan at mga istasyon sa pag-charge ng baterya.”

Bilang resulta ng pagtanggap sa alok, nagsuplay ang Briggs Equipment ng 37 bagong piraso ng kagamitang Yale sa pamamagitan ng tuwirang pagbili sa 14 na Marston’s depot sa UK, na bumubuo sa kabuuang bilang ng trak na Yale sa fleet na higit sa 200.

Nasa ligtas na mga kamay

Ang mga kagamitang Yale sa site ay pinasadya nang partikular upang matugunan ang pangangailangan ng Marston’s sa paghahawak ng mga materyales. Inilagay ang mga keg clamp attachment sa mga forklift upang makayanan ng mga operator na mag-angat ng aabot sa 18 bariles nang sabay-sabay, na siyang makababawas sa pagpapabalik-balik at mas magpabibibilis sa pagkarga at diskarga ng mga keg papunta at galing sa gilid ng bangketa para sa onward na pamamahagi.

Kabilang sa fleet ng Marston’s ang short wheelbase at compact cushion tyrena mga forklift, na ibinagay para sa pagpapabuti ng kakayahang magmaniobra sa loob ng warehouse. Ang mga Yale forklift sa site ay mayroon ding steel mesh guard sa windscreen at bubong na nagdadagdag ng proteksiyon para sa operator kung mayroon mang mahulog na keg sa trak.

Idinagdag ang mga tampok na pantulong sa tsuper upang mas madaling makita ang mga trak para sa mga nagtatrabaho sa paligid nito. Nagpo-project ang Pedestrian Awareness Lights ng asul na tanda sa likod at pulang mga linya sa harap at mga gilid ng trak para bigyang alerto ang mga naglalakad malapit sa trak.

Sinabi ni Kevin O’Rourke, Group Fleet Manager sa Marston’s, na: “Matagal na kaming magkasosyo ng Briggs, ngunit hindi namin lubos na napahahalagahan ang saklaw ng kasalukuyang operasyon nito. Para sa amin, ang hanay ng mga serbisyong suporta pagkatapos ng pagbenta na magagamit ang gumagawa ng katuturan at ang mahusay na solusyon sa aming mga kinakailangan.”

Pinagkakatiwalaang serbisyo ng dealer

Para sa matinding start-stop operation, ang pagbabawas sa pagtigil sa pagtakbo ng mga kagamitan ay ang susi sa produktibong negosyo. Pinabubuti ng mga kagamitan ng Yale ang kabuuang pagiging maaasahan ng fleet habang binabawasan din ang gastos sa maintenance. Bilang bahagi ng kanilang kasunduan, sineserbisyuhan at minamantini ng mga inhinyero ng Briggs Equipment ang buong hanay ng kagamitan ng Yale na isinuplay, mula sa mga reach na trak hanggang sa mga rider pallet truck, at low level order picker hanggang sa LPG na mga forklift.

Sinabi ni Mike Oseland, Key Account Manager ng Briggs Equipment, na: “Iginawad sa amin ng Marston’s ang bagong kontrata matapos humanga sa pagiging maaasahan, saklaw na gawain at pagkonsumo sa fuel na ipinakita ng mga kagamitan ng Yale kasama ang kakayahan ng Briggs na mag-alok ng isang ‘one stop’ na mapagkukunan at gumawa ng pinasadyang mga solusyon upang magdagdag ng tunay na halaga at i-maximize ang pagiging produktibo.”

“Briggs Equipment lamang ang tanging supplier na kayang mag-alok ng kumpletong pagtugon para sa kasalukuyan naming mga pangangailangan at suportahan ang pagpapaunlad sa hinaharap ng aming negosyo at tiwala ako na, sa pakikipagtulungan, maaari nating mapabuti ang pamamahala ng aming fleet at pataasin ang pagiging produktibo sa loob ng aming mga warehouse,” pagtatapos ni Kevin.

Ano Ang Mga Sinasabi Ng Aming Mga Customer

“Para sa amin, ang hanay ng mga serbisyong suporta pagkatapos ng pagbenta na magagamit ang gumagawa ng katuturan at ang mahusay na solusyon sa aming mga kinakailangan.”

Kevin O’Rourke- Group Fleet Manager sa Marston’s