Sewera Polska Chemia: Katowice, Poland

Ang dealer ng Yale ay bumubuo ng mabuting relasyon sa Sewera Polska Chemia

Sewera-main.jpgAng wholesaler na Sewera Polska Chemia ay naglilingkod na sa industriya ng konstruksyon nang higit sa 25 taon na nagbibigay ng kumpletong hanay ng mga kagamitan sa pagtatayo ng gusali sa mga contractor at mga kliyente sa pagtitingi. Ang kompanyang Polish ay nag-aalok ng anumang materyales mula sa mga brick at tsiminea hanggang sa mga alulod at insulation, na siyang bumubuo para sila ay maging one-stop-shop para sa mga proyekto ng konstruksyon.

Ang kompanya ay mayroong walong sangay sa buong Poland na mayroong sentrong warehouse at punong-tanggapan na matatagpuan sa Katowice. Bawat lokasyon ay naiiba ang sukat at may kani-kaniyang natatanging panloob na mga pangangailangan sa paglilipat.

Ang dealer ng Yale® na Emtor ay nagbibigay na ng mga kagamitang Yale sa Sewera Polska Chemia simula pa noong 2009. Ang mga forklift ng Yale ay ginagamit sa buong negosyo, na may taunang pagdiskarga na umaabot hanggang sa 25,000 tonelada ng mga materyales bawat trak. Sa kasalukuyan, tumatakbo ang 19 na Yale VX Series LPG na trak sa buong lugar ng Sewera Polska Chemia.

Ang industriya ng konstruksyon ay isa sa mga pinakamaraming hinihinging mga kapaligiran ng operasyon para sa mga forklift na trak at ang mga trak ng Sewera Polska Chemia ay dapat ding makayanan ang iba’t ibang kalagayan ng pagpapatakbo sa bawat sangay ng kompanya. Depende sa lokasyon, ang mga trak ay karaniwang tumatakbo sa labas sa mga plataporma sa pagkarga o nagdidiskarga sila malapit sa warehouse at pagkatapos ay ihahatid ang mga produkto sa mga istante. Pati na rin ang mga kalagayan ng pagpapatakbo, ang lawak ng negosyo ng Sewera Chemia Polska ay nangangahulugan na ang mga karga ay nag-iiba-iba rin - mula sa mga pintura at kemikal hanggang sa mga bintana at mga tile.

Pag-angkop upang matugunan ang mga pangangailangan ng customer

“Ang mga kalagayan sa aming mga warehouse ay iba-iba, ngunit ang mga trak ay pinili sa paraang palagi silang makatatakbo nang maayos, saanmang sangay nagpapatakbo ang mga ito. Isang halimbawa nito ay ang paggamit ng mga three stage mast, salamat at makatitiyak kami na kayang dumaan ng mga trak sa mga lugar na may mabababang kisame. Samakatuwid, kahit na sa panahong ililipat ang mga trak na forklift sa ibang lokasyon, sigurado kami na makatatakbo ito sa bagong lugar,” sabi ni Danuta Zdancewicz, Operational Manager sa Sewera Polska Chemia.

Dahil sa malaking bilang ng operasyong ginaganap sa labas, lalo na tuwing taglagas at taglamig, marami ring mga trak ang nilagyan ng in-cabin heating. “Hindi ito isang standard na tampok, ngunit habang isinasaalang-alang ang partikular na pangangailangan ng aming trabaho, hiniling namin ang heated cabin para dagdagan ang kaginhawahan ng mga operator habang iniiwasan ang condensation,” dagdag pa ni Danuta.

Tinitingnan ang hinaharap

Sa simula, gumamit ang Sewera Polska Chemia ng serbisyo ng pangmatagalang pagrenta, ngunit nitong huling dalawang taon ay bumili ang kompanya ng kagamitan, at sa paggawa nito nadagdagan ang kapasidad sa pag-angat ng buong fleet mula sa 2,000 kg hanggang sa 2,500 kg kada trak.

“Kapag iniisip ang tungkol sa pagbili ng mga forklift, palagi naming sinusubukan na tumingin nang maaga ilang taon mula ngayon upang hindi namin limitahan ang aming mga sarili sa paglutas lamang ng mga problema na kinakaharap namin dito at ngayon. Tinatandaan ang pagpapaunlad ng kompanya, sinusubukan naming hulaan ang mga problemang haharapin ng aming mga forklift, sabihin na nating, sa loob ng limang taon.

“Tuwing nagpapalit kami ng isang trak para sa isang bagong trak, nakikipagkita kami sa Emtor na siyang tumitingin sa mga detalye ng trabaho at sinusuri ang aming mga pangangailangan. Salamat dito at agad nilang nakita ang mga bahaging kailangang i-optimize at mag-aalok sa amin ng pinakamahuhusay na solusyon,” pagtatapos ni Danuta.

Ang flexibility at pag-unawang ito sa mga pangangailangan ng Sewera Polska Chemia, na sinamahan ng kakayahang tumugon sa pinasadyang mga solusyon ay isa sa mga pinakadahilan ng pangmatagalang kooperasyon ng kompanya sa Emtor.

Tunay na pinahalagahan ng Sewera Polska Chemia ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng malapit na relasyon sa dealer ng Yale sa loob ng ilang taon, at ang pagiging maaasahan na ibinibigay ng mga Yale forklift truck. Sa kaso ng dalawang kompanyang ito, masasabi ng isa nang walang pag-aalinlangan na ang kanilang relasyon ay patuloy na tumitibay.

Ano Ang Mga Sinasabi Ng Aming Mga Customer

"Tuwing nagpapalit kami ng isang trak para sa isang bagong trak, nakikipagkita kami sa Emtor na siyang tumitingin sa mga detalye ng trabaho at sinusuri ang aming mga pangangailangan. Salamat dito at agad nilang nakita ang mga bahaging kailangang i-optimize at mag-aalok sa amin ng pinakamahuhusay na solusyon."

Danuta Zdancewicz - Operational Manager st Sewera Polska Chemia