Epektibong kaligtasan ng lift trak habang sumusulong ang mundo

Ang bagong normal

Buod

Sa loob ng isang linggo lamang, huminto ang NBA season, nagsara ang mga paaralan at mga negosyo sa buong bansa. Ang dahilan? Kailangan ang pagtulong ng lahat ng miyembro upang labanan ang pagkalat ng COVID-19, na ilang piling negosyo ang nanatiling bukas upang magbigay ng mahahalagang supply at serbisyo. Mas dumami ang mga bagong kaso at naglabas ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng mga bagong patnubay para sa kalinisan at kaligtasan, habang nagkandahirap ang mahahalagang negosyo sa buong bansa upang maghanap ng kritikal na kagamitan para sa pansariling proteksyon o personal protective equipment (PPE) para sa mga manggagawa.

Pagkalipas ng ilang buwan, bumabalik sa pagtatrabaho ang mga industriya at kompanya sa buong bansa. Ngunit binago ng pangmatagalang epekto ng COVID-19 kung paano nagpapatakbo ang mga negosyo. Nagiging bahagi ng bagong realidad ang mga pagsasaayos tulad ng mga face shield, mga pangharang na gawa sa plastik, mga istasyon ng paglilinis ng kamay at maging ng mga lugar ng trabaho na magkakalayo ang mga tauhan habang bumabalik sa trabaho ang lahat ng uri ng negosyo.

Natatanging nakaposisyon sa harapan o frontline ang mga supply chain, na ngayon ay may atas na hindi lang magtrabaho nang mahusay, ngunit ligtas – ginagamit ang mga pinakamahuhusay na gawi para sa kalusugan at kalinisan sa bawat antas. Nagbibigay ng kaalaman ang mga natutunang aral sa panahon ng mga unang buwan ng pandemya sa kung paano nagpapatakbo ang mga warehouse, sentro ng pamamahagi at iba pang pasilidad habang muling nagbubukas ang mga ekonomiya.

Ngunit paano gumagana ang pagbabalik sa trabaho sa panahon ng COVID-19 para sa mga operasyon ng lift trak? Mula sa pang-araw-araw na operasyon hanggang sa mga pagtawag upang magserbisyo, nakikipag-ugnayan ang mga tauhan sa mga lift trak sa iba’t ibang paraan. Lahat ng ito ay maaaring maglagay sa panganib ng paglilipat ng virus nang walang tamang sanitasyon. Kinakailangan ang pagsunod sa patnubay na mula sa CDC upang bumuo at magpatupad ng mga pinakamahuhusay na gawi at paggamit nito sa natatanging katangian ng iyong pasilidad, kabilang ang partikular na ginagamit na kagamitan at ang mga aplikasyon nito.