Isang balangkas upang itaguyod ang mga gawing pangkaligtasan at paganahin ang mas may kabatirang pagpapasya ng pangasiwaan
Pagdistansiya sa kapwa (social distancing), pagtunton sa mga nakaugnayan (contact tracing), at marami pa
Buod
Habang hindi pa natatapos ang pandemya ng COVID-19, itinatatag ang isang bagong normal habang naiintindihan ng mga negosyo kung paano magpatuloy habang gumagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang pagkalat ng virus.
Patuloy na nagbibigay ng mga rekomendasyon ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) upang tulungan ang mga negosyo na makapagbigay ng ligtas at malusog na mga kapaligiran ng paggawa. May mahalagang tungkulin ang lahat ng personal na kagamitang pamproteksiyon (personal protective equipment o PPE) gaya ng mga panakip sa mukha, pangharang na plastik,at mga istasyon ng paglilinis ng kamay upang mabawasan ang pagkalat ng virus. Ngunit ayon sa CDC, ang paglimita sa malapitang pakikipag-ugnayan nang harapan o face-to-face contact ang pinakamabisang paraan upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19– o gaya ng karaniwang pangunahing sinasabi, social distancing.
Tinatawag ding “physical distancing” ng CDC, nangangahulugan ang social distancing na pagpapanatili ng ligtas na espasyo – kasalukuyang tinutukoy na hindi bababa sa 6 na talampakan – sa pagitan ng mga indibiduwal mula sa iba’t ibang sambahayan. Nakaugat ang katwiran para sa gawing ito sa kung paano kumakalat ang virus. Kapag umuubo, bumabahin o nagsasalita ang isang nahawang tao, maaaring pumunta sa hangin ang mga patak at kumalat ang COVID-19 sa mga taong kalapit.
May dalawang bahagi ang hamong kinakaharap ng mga negosyo. Una, paano mapadadali ng mga kompanya ang mabisang social distancing sa buong organisasyon? Ikalawa, ano ang magagawa nila kung sakaling magpositibo sa pagsusuri ang isang empleyado?