Berger Recycling

Aplikasyon sa pag-recyle ng pira-pirasong metal at basurang papel

Karanasan

Itinatag noong 1912, nagbibigay ang Berger Recycling ng pinasadyang sistema para sa koleksyon at pagbili ng mga materyales na nare-recyle sa Rhode Island at Massachusetts. Nakabase sa Pawtucket, R.I., espesyalista ang Berger Recycling sa pira-pirasong metal, basurang papel, electronics, plastik, insulated wire, mga baterya, mga tela at mga bagong rolyo ng papel. 

Nabigo sa paulit-ulit na pagsumpong ng pagpalya ng kagamitan, lumapit ang Berger Recycling sa M&G Materials Handling Company para sa tulong. Matapos suriin ang kapaligiran ng kanilang pasilidad at mga pangangailangan ng lift trak, ini-upgrade ng M&G Materials Handling Company ang fleet ng lift trak ng Berger Recycling sa pamamagitan ng mga lift trak na Yale Veracitor® GP060VX.

Hamon

Bilang isang pasilidad ng pira-pirasong metal at basurang papel, dumanas ang Berger Recyling ng dalawang problema sa paghawak ng mga materyales na nagresulta sa mahabang panahon ng pagtigil ng paggawa. Ang unang problema ay ang alikabok na nalilikha ng mga basurang papel na sumasagabal sa mga transmisyon ng mga lift trak.

Ang pangalawang problema ay ang kontaminasyon ng preno. Ang mga produktong scrap, corrugated at papel ng Berger Recycling ay sama-samang itinatali gamit ang mga kawad na pambigkis (baling wire). Maaaring dumulas ang baling wire mula sa produkto, at kung maiwan sa sahig, ay maaaring pumulupot sa mga ehe (axle) ng lift trak at shear brake lines.

Solusyon

Matapos pulungin ang Berger Recycling at suriin ang mga pangangailangan ng kanilang lift trak, pinagamit ng M&G Handling Company ang kompanya ng magkapares na 6,000 pound na kapasidad na Yale Veracitor® GP060VX na mga lift trak.

Naalis ng selyadong alternator ng lift trak ang kontaminasyon ng dumi na maaaring maging dahilan ng pagkasira habang naiwasan ng heavy duty Combi-Cooler radiator nito ang pagpasok ng corrugated dust sa air system ng lift trak.

Lumikha ang vented hood sa GP060VX ng mas kaunting vacuum na paghatak sa ilalim ng karuwahe, na nagreresulta sa mas kakaunting paghila ng kontaminadong papel at basura at nadagdagang dami ng malinis na hangin na ipinapasok sa makina. Mayroon din ang Veracitor ng high-air intake at pre-cleaner upang mabawasan ang paghigop ng dumi o kontaminadong hangin. Tumutulong ang tampok na ito upang patagalin ang buhay ng makina at filter habang dinaragdagan ang katipiran sa fuel.

Epekto

Sa buong anim na taon nilang pakikipagsosyo sa M&G Materials Handling Company, malaki ang nabawas sa mga gastusin sa operasyon ng Berger Recycling.

Image description

Kilalanin ang Aming Eksperto sa Industriya

Ang paghahanap ng tamang solusyon para sa iyo ay nagsisimula sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa isang kasosyo na parehong alam ang iyong negosyo at nauunawaan kung ano ang pinakamahalaga sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin