Pangkalahatang-ideya sa mga Pangunahing Account

Isang Pinagmumulan para sa Iyong mga Pangangailangan na Lift trak at Paghawak ng mga Materyales

Kung mayroon kang mga lift trak sa maraming magkakaibang lokasyon sa buong bansa o kahit sa buong mundo, maaari mong bawasan ang iyong gastos ng operasyon sa tulong ng mga Pangunahing Account ng Yale. Makatutulong din itong matipid na solusyon upang mapataas ang pagiging produktibo ng iyong operasyon.

Tinatamasa ng mga customer na may mga Pangunahing Account ng Yale ang kaginhawaan ng pakikitungo sa iisang pinagmumulan para sa lahat ng kanilang mga pangangailangan sa paghawak ng mga materyales. Wala nang pagkakaiba-iba sa pagpepresyo o iba’t ibang lift trak na kailangan ng pagkukumpuni.  

Susuriin ng Manager ng Pangunahing Account ang iyong negosyo at tutulong na bumuo ng isang programa na makabuluhan para sa iyo - Isang programa na tutulong sa iyo upang masulit ang pagiging produktibo ng iyong operasyon. At makasisiguro kang susuportahan ka ng buong organisasyon ng Dealer ng Yale® at ng Paghawak ng mga Materyales ng Yale.

Pagtiyak na tumatakbo nang tuluy-tuloy ang iyong negosyo

Nakatuon upang magbigay ng solusyon na tumutugon sa mga pangangailangang pananalapi, pangkomersyal at aplikasyon, maaaring tumulong ang Team ng Pangunahing Account ng Yale upang magbigay ng kasagutan sa napakaraming hinihingi ng pamamahala ng fleet at paghawak ng mga materyales.

  • Dahil sa ganap na linya ng mga produkto, pandaigdigang pagmamanupaktura at pamamahagi, inihahatid sa iyo ng mga Pangunahing Account ng Yale ang isang propesyonal at personal na paraan para sa iyong mga personal na pangangailangan.
  • Matatagpuan sa estratehikong lokasyon sa buong Asya Pasipiko ang aming team ng mga Pangunahing Account ng Yale.
  • Sa malapit na kaugnayan mo sa malayang network ng mga awtorisadong dealer ng Yale®, makukuha mo ang lokal, mabilis, at mahusay na pagtugon at maayos na pamamahala ng kontrata. 
  • Sa sama-sama nating pagtutulungan, mabibigyan ka namin ng nakatuon na sales team upang tumulong sa iyong mga kinakailangan sa paghawak ng mga materyales sa operasyon. 
  • Makikinabang ka mula sa hindi nababagong estratehiya ng pamamahagi sa pamamagitan ng aming pandaigdigang network ng dealer.
  • Nakikipagtulungan din kami sa mga supplier ng pagkakabit, aksesorya, at espesyalista upang matugunan ang napakadetalyadong mga pangangailangan sa aplikasyon, gaya ng mga solusyon upang malabanan o mabawasan ang pinsala dulot ng pagsabog.

MGA PAKIKIPAGSOSYO NA GUMAGANA.

MGA PAGPAPATUNAY

Huwag lamang paniwalaan ang sinasabi ng Yale para dito. 

Ang mga forklift na mga trak ay isang mahalagang bahagi ng isang operasyon para sa maraming mga pang-internasyonal na kompanya. Mangyaring tingnan ang mga halimbawa ng gawaing isinagawa sa pakikipagsosyo sa ilan sa aming mga customer.

"Naalis ang aming problemang pagkasira ng baling wire o pagkasira ng braking system sa pamamagitan ng mga selyadong bearing at mga wet disc brake sa Veracitor. Ipinagmamalaki ko ring sabihin na hindi kailanman nag-overheat ang aming Veracitor. Talagang kinakailangan ang mga tampok ng Veracitor upang mapanatiling tumatakbo ang negosyo – at ang katotohanang tumutulong sa aming kita ang pagdating ng mga ito na naaayon sa pamantayan.”
-Adam Sinel - VP of Operations, Berger Recycling

"Napakaimportante sa amin ang pagpapaupa ng mga de-kuryenteng lift trak dahil parehong mabuti sa kapaligiran at maginhawang gamiting ng empleyado ang de-kuryenteng lift trak. Sa nakalipas na 15 taon, inupahan naming ang mga lift trak mula sa NITCO at napakasaya namin sa kanilang mga produkto kaya binabalak naming muling mag-renew ng kontrata sa hinaharap"
-Tony DiFraia - Operations Manager, Homans Associates

"Mahalaga ang pagiging maaasahan ng aming fleet sa maayos na pagpapatakbo ng aming negosyo. Mahalaga ito upang magkaroon ng kontrata sa pag-maintenance na tumutulong sa min upang maalis ang mga hindi kinakailangan pagtigil sa pagtakbo at pinanatili ang aming magandang pangalan para sa kakayahang maghatid nang nasa oras, sa lahat ng pagkakataon."
-Jonathan Styles - Purchasing Manager, Beatson Clark

"Masaya ako na nagkaroon kami ng pagkakataong ipatupad ang naturang malawak na cross-section ng mga solusyon para sa Bonduelle. Salamat dito, nagawa naming magtulungan upang subukan ang iba’t ibang opsyon, bumuo ng kasanayan, at magbigay ng kapaki-pakinabang na feedback sa kanilang mga pabrika, na nagbibigay-daan sa amin upang patuloy na pahusayin ang aming serbisyo."
-Dariusz Czaplicki - Technical and Sales Consultant for Emtor