Borgers AG: Alcala de Henares, Madrid, Spain

Sinusulit ng Yale ang fleet ng forklift sa planta ng Borgers kasama ang Hispaman

Borgers-main.pngMay fleet ang Borgers ng 20 de-kuryenteng trak na nagtatampok ng magkakaibang hanay ng mga modelo at tatak. Dagdag dito, bawat isa sa mga sasakyan ay may iba’t ibang modelo at gawa ng baterya, isang kadahilanan na nag-antala ng oras ng produksyon kapag kailangang magpalit at magpalitan.

Nilutas ng Hispaman, isang opisyal na tagapamahagi ng Yale na mga forklift na trak, ang mga problema sa warehouse ng Borgers, nagbibigay ng mga bagong trak na pinakaangkop para sa kanilang negosyo, pinagsasama ang mga kompartimento ng baterya, at sinusulit ang kapaligiran ng pagtatrabaho na may mga ilaw na nagbibigay ng kamalayan sa naglalakad mula sa Yale.

Pagsasama-sama ng fleet

Natulungan ng Hispaman na pahusayin ang mataas na antas ng produksyon ng Borgers sa pagpapakilala ng isang fleet ng 27 trak mula sa Yale. Binubuo ang fleet na ito ng pitong MC series na pedestrian counterbalanced na stacker, pitong MSX series ng platapormang pallet stacker, tatlong MS series na pedestrian na stacker, walong MP series na de-kuryenteng pallet truck, at dalawang MPX series na low-lift na platapormang pallet truck.

Lahat ng kagamitan na isinuplay ng Yale ay may pare-parehong uri ng baterya, kaya pinag-iisa ang mga sukat, boltahe, at ampage sa isang uri at pinadadali ang pagpapalitan ng mga baterya. Kaya, madaling mapapalitan ng operator ang naubos na baterya para sa isa pang puno ng charge na baterya, sinusulit ang oras na kailangan para sa operasyong ito. Para higit pang pahusayin ang serbisiyo sa customer, responsable rin ang Hispaman sa pagpaplano at paglalagay ng isang lugar ng pagcha-charge ng baterya: isang lugar na kung saan inilagay ang mga charger at mesa para sa pagpapalitan, pati na rin ang isang awtomatikong alarma para ipaalam na ang baterya ay ganap nang na-charge.

Pinahusay na mga tampok na pangkaligtasan

Nagbigay rin ang tagapamahagi ng Yale ng mahusay na solusyon para sa mataas na antas ng ingay sa planta para matulungan ang mga manggagawa na nahihirapang marinig ang tunog ng mga alarma ng mga trak na umiikot sa pabrika.

Kinabitan ng Hispaman ang lahat ng trak ng mga ilaw na nagbibigay ng kamalayan sa naglalakad, isang sistema ng nakikitang babala para sa mga pedestrian na nagpapakita ng maliwanag na bughaw na ilaw sa sahig. Nagbababala ang ilaw sa mga pedestrian kapag papalapit ang isang trak at partikular na epektibo sa maiingay na lugar o hindi makitang interseksyon.

Sinabi ng Direktor ng Logistics para sa Borgers AG, na si Jochen Harmeling, “Nakikita namin sa Hispaman ang pagiging magaling na katuwang na may napakabilis at napakahusay na serbisyo pagkatapos ng pagbebenta na may pinasadya, propesyonal, at mahusay na pansin sa komersyo.”

Ano Ang Mga Sinasabi Ng Aming Mga Customer

"Pagkatapos ng masinsinan at detalyadong pagsusuri ng aming mga operasyon at daloy ng trabaho, pagkatapos ay ang pag-aaral sa pagkakaiba-iba ng aming mga produkto at ang mga mode ng pag-iimpake na ginagamit namin araw-araw, at pagsusuri ng iba’t-ibang prototype at mga makina kasama ang aming mga tauhan ng logistics, natagpuan namin na ang Hispaman kasama ang Yale® ay pinakamahusay na angkop sa mga pangangailangang pang-logistics ng aming planta sa Alcalá."

Jochen Harmeling - Director ng Logistics, Borgers AG