Ellerhold Group: Ziendorf, Germany

Yale at Ellerhold Group: Gumagawa ng mga headline sa pinasadyang solusyon sa warehouse

Ellerhold-main.jpgItinatag noong 1987 sa bayan ng Zirndorf, malapit sa Nuremberg, umunlad ang Ellerhold Group at naging isang kilalang kompanya ng paglilimbag ng poster, na may mga tauhan na 600 empleyado sa Alemanya at may kabuuang turnover na humigit-kumulang sa €76 milyon.

May kabuuang pamumuhunan na €3 milyon, nagtayo ang Ellerhold Group ng isang bagong dalawang palapag na gusaling pampangasiwaan at pamproduksiyon noong 2015, kasama ang isang warehouse na may lawak na humigit-kumulang na 1,500 m2.

Ang pakurbang bubong sa lugar ng imbakan ng print shop ang isang partikular na katangian ng negosyo ng Ellerhold, na ipinapakita ang intralogistics supplier na may malalaking pagsubok, dahil hindi magagamit ang mga solusyon na teknolohiya ng imbakan na wala sa istante. Dito kung saan gumanap ng mahalagang tungkulin ang Yale.

Yale: isang moderno at masusukat na solusyon

“Sa merkado kinakatawan ng pangalang Ellerhold hindi lang ang para sa mataas na kaildad ng mga produktong panlimbang, ngunit para din sa paghahatid nang nasa oras,” sabi ni Bernd Schmidt, CEO ng Ellerhold sa Zirndorf. “Para sa kadahilanang ito, gusto naming lagyan ang aming warehouse ng modernong solusyon na intralogistics na kahit sa patuloy na paglago, ito ay nag-aalok ng antas na kakayahang lumago at pamahalaan ang tumataas na demand. Sa maraming iminungkahing mga solusyon, ang konsepto ng Yale lamang ang nakakumbinsi kaagad sa amin.”

Kasama ngayon sa bagong high-bay na warehouse ang kabuuang apat na pasilyo, na ang bawat isa ay may pitong antas, sa taas na 17 metro at taas ng istante na 7.5 metro. Upang ipakita ang apat na pasilyo at ang 900 pallet bay, kailangang idisenyo ang pasilyo sa lapad na 1.65 metro.

“Dahil sa katotohanang hindi na mababago pa ang layout ng hall, naging napakahirap na makamit ang mga kinakailangan ng pamantayan ng sistema ng istante,” ipinaliwanag ni Martin Gärth, V.M.L Consultant at M.+ S. Bauer, isang dealer ng Yale na nakabase sa Nuremberg.

“Kailangan ang pinasadyang solusyon ng istante para magawa naming maghatid nang perpekto gamit ang sistema ng pagsasalansan ng paleta na PowerPal®, dahil nagbibigay ng pinasadyang mga sukat ang tagagawa. Gamit ang umaangkop na PowerPal-shelf systems, nagamit ng Yale ang magagamit na espasyo nang matipid, para mag-alok ng high-bay na warehouse para sa humigit-kumulang na 900 espasyo ng paleta sa isang lugar na humigit-kumulang sa 500 metro kuwadrado.”

Totoong nakatitipid ng espasyo sa makikitid na pasilyo

Espesyal na idinisenyo ang trak ng Yale para sa makitid na pasilyo na MTC10 para sa mga aplikasyon kung saan ang pinakamataas na paggamit ng espasyo ng pag-iimbak ay mahalaga sa warehouse. Ang trak sa Ellerhold ay may taas ng pag-angat na aabot sa 7,800 mm na may kapasidad na isang tonelada. Sa pamamagitan ng paggamit ng isang pantograph ang lapad ng sasakyan ay nabawasan at naging 1,420 mm.

Ginawa para sa mga pangangailangan ng customer

Iniangkop sa partikular na aplikasyon sa high-bay na pagsasalansan ang trak para sa makitid na pasilyo sa Ellerhold. Dito, dapat irespeto ang ligtas na distansiya upang hindi masira ang sasakyan at ang sistema ng pagsasalansan. Para hawakan nang ligtas at mahusay ang mga produktong mababagal gumalaw sa itaas ng lugar na nakakabit sa bubong, ginagabayan nang walang pasubali ang sasakyan. Sa pasilyo maaaring tumakbo muli ang sasakyan sa bilis na 8 km/h. Salamat sa mga pag-a-adjust na tio sa sasakyan. Maaaring itono ng Yale ang trak sa sistema ng istante at perpektong samantalahin ang espasyo sa warehouse.

Yale at Ellerhold: isang 25 taong gulang na subok nang samahan

Bilang karagdagan sa bagogn MTC10 na trak para sa makitid na pasilyo, nagmamay-ari ang Ellerhold ng Yale GLP20SVX na forklift, isang MP16 rider pallet truck at isang Yale MS10C pedestrian stacker. “Sa pagpaplano ng aming bagong warehouse at ang konsepto nitong intralogistics, binigyang-diin muli ni M. + S. Bauer ang kanilang espesyal na kadalubhasaan sa intralogistics. Para sa alinmang iba pang iminungkahing solusyon, magkakaroon sana kami ng mas kaunting pallet bay”, pagtatapos ni Bernd Schmidt. “Ganap na natugunan ng solusyon ng Yale ang lahat ng aking hinihingi: Nasulit ng Yale ang maliit na espasyo gamit ang pinakabagogn teknolohiya at sa murang presyo.”

Ano Ang Mga Sinasabi Ng Aming Mga Customer

"Ganap na natugunan ng solusyon ng Yale ang lahat ng aking hinihingi: Ginawa ng Yale ang pinakamaliit na espasyo gamit ang pinakabagong teknolohiya at sa makatuwirang halaga."

Bernd Schmidt - CEO ng Ellerhold sa Zirndorf, Ellerhold Group