4 Wheel na De-kuryenteng Forklift Truck Pneumatic Tyre
Maaasahan. Binago. Mas Pinalakas.
- Mga Modelong
- ERP2.2-3.5N
- Kapasidad sa Pag-load
- 2200-3500kg
Ang Yale® ERP2.2-3.5N Series N na de-kuryenteng lift truck ay may kakayahang gawin ang malawak na hanay ng mga gawain sa mga intralogistic na operasyon at mga warehose sa iba't ibang industriya. Gawa sa napatunayang magandang performance, tinutulungan ka ng Series N na de-kuryenteng lift truck na makamit ang mas mataas na produktibidad, at nag-aalok ito ng ergonomic at safety features bilang pamantayan. Maraming opsyon, para sa baterya, kontrol, at iba pa, na tutulong sa iyo na piliin ang espesipikong truck na kailangan mo para gumawa ng partikular na trabaho mo.
- Flexibility na kailangan sa trabaho
- Pagiging produktibo at magandang performance
- Madaling makita at kontrolin
- Dinisenyo para sa kaginhawahan at kahusayan
Opsyon na tugma sa kailangan mo
Mayroon kang espesipikong kailangan sa trabaho. Kaya nag-aalok ang Yale ERP2.2-3.5N Series N na de-kuryenteng lift truck ng iba't ibang opsyon, na tutulong sa iyo na mapili ang partikular na truck na kailangan mo sa gawain mo. Dinebelop para pangasiwaan ang malawak na hanay ng mga gawain sa iba't ibang sektor ng industriya, na may ergonomic at safety features bilang pamantayan.
Flexibility na kailangan sa trabaho
Produktibidad at Performance
Madaling Makita At Kontrolin
Dinisenyo para sa kaginhawahan at kahusayan
Nag-aalok ang Yale ERP2.2-3.5N Series N na de-kuryenteng lift truck offers ng flexibility na bagay sa espesipikong kailangan mo sa trabaho, salamat sa iba't ibang available na opsyon nito. Halimbawa:
· Nagbibigay ang opsyonal na joystick hydraulic na kontrol ng komportable at paraan na madaling kontrolin ang hydraulics ng truck, na tumutulong sa mas magandang pagkontrol ng operator. (Ang disenyong ito ng kontrol ay kapareho ng iba pang truck na Yale Series N ICE at iba pang modelo ng de-kuryenteng truck ng Yale, para maging mas pamilyar at madali sa mga operator kapag lumilipat ng truck.)
· Pinapaganda ng opsyonal na Dynamic Stability System (DSS) ang pagiging stable at tumutulong na mabawasan ang posibilidad na tumaob dahil may mga tunog visual na alerto ito. Nililimitahan nito ang truck kapag ginamit sa labas ng itinakdang parameter. Gaya ng paglimita sa bilis ng traction kapag nakataas ang mast nito sa isang partikular na taas. Tumutulong ito para maging ligtas ang operasyon, lalo na para sa mga driver ng ahensiya na gumagawa sa oras na napakaraming trabaho, o sa mga kompanyang nakapokus sa kalusugan at kaligtasan. Epektibo ang DSS na gamitin sa loob at labas ng gusali.
· Dinisenyo ang Yale ERP2.2-3.5N Series N na De-kuryenteng Lift Truck para suportahan ang integrasyon ng Yale Reliant™ na teknolohiya sa pagtulong para mas maging ligtas ang mga operator mo at ang operasyon mo.
Tumutulong sa iyo ang Yale ERP2.2-3.5N Series N na de-kuryenteng lift truck para masulit ang performance nito sa trabaho. Ang de-kuryteng forklift ay may mas kaunting drivetrain na parte at mas hindi komplikado. Nangangahulugan ito na makakatipid ka at mas mababa ang TCO dahill nabawasan ang gastos sa pag-o-operate at maintenance.
· Flexibility ng baterya – I-unlock ang performance sa pamamagitan ng pagpili ng opsyon sa baterya na bagay sa pangangailangan mo. Available ang lithium-ion, may lead acid, o TPPL. Sa ilang sitwasyon, makakatulong ang teknolohiya ng baterya na lithium-ion para makabawas sa kabuong gastos ng pagmamay-ari (total cost of ownership, TCO) dahil wala itong maintenance. Ang disenyo ng kapalit na kahon ng baterya (battery box replacement, BBR) ay tumutulong sa flexibility at pangmatagalang gastusin dahil mas madaling palitan ang baterya nito at matagal ang buhay.
· Mga opsyon ng motor - Puwede kang pumili ng standard na motor (na kasama ang mga AC induction motor para sa drive at hydraulic pump), o ang pinahusay na motor. Nagbibigay ang pinahusay na opsyon ng mas magandang performance at mas mainam na energy efficiency, salamat sa mga permanenteng magnet drive motor at isang permanenteng magnet hydraulic pump. Dahil pareho kayong panalo sa mas magandang performance at mas mababang paggamit ng enerhiya, makakatulong sa iyo na mabawasan ang kabuoang gastos sa paglipas ng panahon.
Para tumulong sa operasyon mo at sa mga operator, gumagamit ang Yale ERP2.2-3.5N Series N na de-kuryteng truck ng smart design para suportahan ang bagong antas ng efficiency.
· Mas madaling makita - Ang mast ng Series N na de-kuryenteng truck ay mas madaling makita dahil sa dalawang bagay. Itinuturing na pinakamaganda ang visibility nito dahil sa mast*.
· Mas Madaling Pagmamaniobra - Dahil sa zero-turn radius, madali nang magmaniobra ang mga operator sa masisikip na lugar. Mas maganda rin ang function at kontrol ng Series N forklift sa magkakaibang gawain sa loob at labas ng gusali.
*Batay sa 2023 test data kumpara sa mga kaparehong modelo ng ibang mahigpit na kakompitensiya. (Linde, Toyota, Mitsubishi, CAT, TCM at Logisnext)
Ang Yale ERP2.2-3.5N Series N na de-kuryenteng lift truck ay nagtatampok ng ergonomic na mga feature na tumutulong para mas madaling magamit ng operator, na tumutulong na pataasin ang produktibidad.
· Dahil sa mas maluwag na cabin, mas madaling pumasok at lumabas na tumutulong sa operator sa iba't ibang shift.
· Ang mga pneumatic na gulong ay binabawasan ang pag-vibrate, para sa komportableng pagsakay kahit sa malubak na mga daan.
· Magagamit kasama ang komportableng ergonomic na GRAMMER upuan na komportableng upuan. Ang premium at komportableng upuang ito ay tumutulong para hindi masyadong mapagod, mas maginhawa sa buong oras ng trabaho. Makakatulong ito para maging mas produktibo ang operator sa mahabang oras ng trabaho. Bukod pa rito, may iba pang pagpipilian sa upuan para matiyak ang pinakakomportable at praktikal na lugar ng trabaho na susuporta sa produktibidad ng iyong mga operator.
· Makikita sa madaling-gamiting touch screen ang impormasyon ng truck na madaling makita ng operator, habang ang opsyonal na dual joystick hydraulic control ay nagbibigay ng komportableng at madaling paraan para pamahalaan ang hydraulic system ng truck.

Telemetry ng Yale Vision
Ganap na kakayahang makita at kontrol ng fleet
Nagbibigay ang Yale Vision ng real-time na pagsubaybay sa fleet para sa mas may kabatirang pagpasya. Nagbibigay ang solusyon ng madaling magamit na mga dashboard at analitika upang pamahalaan ang gastos, i-optimize ang pagiging produktibo at protektahan ang mga ari-arian.

Yale Power Suite
Buksan ang Totoong Kakayahan ng Iyong Operasyon
Ang Yale Power Suite ay mayroong pinakamalawak na saklaw ng mga pinagkukunan ng enerhiya sa industriya mula sa iba’t ibang brand, kung kaya nakukuha mo ang pinakamahusay na solusyon na magagamit upang i-maximize ang iyong mga operasyon. Ang aming koponan ay mayroong malalim na kaalaman sa industriya tungkol sa mapagkukunan ng enerhiya ng forklift upang suriin ang iyong aplikasyon at irekomenda ang mga mapagkukunan ng enerhiya na magbibigay sa iyo ng pinakamalaking pagbalik sa iyong puhunan.
Mga serbisyong may dagdag na halaga
Bahagi lang ng aming solusyon ang mga lift truck
Idinisenyo ang aming mga serbisyong may dagdag na halaga upang tulungan kang masulit ang mga pamumuhunan sa paghawak ng materyal.