ICE Pneumatic Tire
Magtakda ng sariling pamantayan.
- Mga Modelong
- GDP/GLP2.0-3.5N
- Kapasidad sa Pag-load
- 2000-3500kg
Habang nagpopokus ang ibang gumagawa ng forklift truck sa pamamaraang iisang klase na para sa lahat, nagbibigay kami sa iyo ng flexibility para makakuha ng tamang forklift truck para sa iyo. Gawa sa nababagong platform, ang bagong Series N ay ang forklift truck na ipapasadya mo para matugunan ang pangangailangan mo. At huwag mag-alala – kasama rito ang pagiging maaasahan ng performance, magandang ergonomics, at mababang kabuuang halaga ng pagmamay-ari.
- Disenyong nasa sentro ang nagmamaneho
- Matipid sa fuel
- Mababang kabuuang gastos ng pagmamay-ari
- Maaasahang performance
Pagpapasadya at performance para sa iba't ibang pangangailangan
Disenyong nasa sentro ang nagmamaneho
Tipid sa fuel
Pinasimpleng serbisyo
Maaasahang performance
Ang isang ergonomic na lugar ng trabaho na maingat na idinisenyo para maging komportable, kumbinyente, at karaniwan ay nakakatulong sa nagmamaneho para manatiling komportable at produktibo habang nagtatrabaho.
- Tumutulong ang mga sistema ng pantulong sa nagmamaneho para manatiling alerto at mamaniobra ang truck nang maayos
- Tumutulong ang ergonomic na mga kompartamento ng nagmamaneho para hindi masyadong mapagod at mas maging komportable sa buong katagalan ng pagtatrabaho
- Dahil nakikita ng nagmamaneho ang buong paligid, nagiging mas kumpiyansa siya at mahusay
Makatuwiran lang para sa budget at sa mundo ang paggamit ng mas kaunting fuel para gumawa ng mas maraming trabaho.
Dahil mahigit 13% ang natitipid sa Krudo* at 9% tipid sa konsumo ng LPG bawat truck, mas nakakatipid sa fuel ang Series N kaysa sa iba pang modelong tulad nito**, mas kauti ang emission, at mas mababa ang gastos sa fuel.
*Konsumo ng krudo ayon sa VDI EN16796. H2.5A na may VDP hydraulic pump verses Linde H2.5D at Toyota 56-8FD25F
**Ayon sa standard test EN 16796, na itinakda ng VDI. Ikinumpara nito ang lahat ng halaga ng konsumo ng fuel na inilathala ng bawat isa sa sumusunod na mga manufacturer sa Europa. (Linde, STILL, Jungheinrich, Toyota, Nissan, Komatsu) Kung wala sa listahan ang manufacturer, hindi ito nakalista sa mga spec sheet.
Nakakatulong ang napatunayang pagkamaaasahan at matitibay na piyesa para mapaunti ang panahon ng pagtigil at makatipid sa pagmementina. Kapag pinagsama ang pakinabang sa pagtitipid at ang kakayahang ipasadya ang truck para bumagay sa pangangailangan ng indibidwal, magkakaroon ka ng tamang truck sa tamang presyo.
- Sa tulong ng telemetry monitoring, nakikita remotely ang mga diperensiya para maipaalam na kailangan ng pagmementena nang hindi na kailangan ng mano-manong inspeksiyon
- Tumutulong ang on-demand cooling para manatiling malamig ang Series N at mabawasan ang dalas ng paglilinis ng radiator ng mga nagmamaneho
- Pagitan ng paglalagay ng grasa: Mas matibay ang tapered roller bearing sa manibela sa pagyanig at mas kaunti ang kailangang grasa kaysa sa needle bearing na nasa karamihan ng modelong gaya nito
Dinisenyo na makita ang buong paligid at teknolohiyang nasa industriyang ito lang para tumulong na maibigay ang buong performance, kumpiyansa, at pagging produktibo para makayanan ang mga hamon sa ngayon sa iba't ibang aplikasyon.
- Oras ng pag-ikot – ang mabilis na pag-angat/pagbaba na mga bilis ay tumutulong sa pagbawas ng mga segundo sa bawat ikot
- Pagbalik sa itinakdang pagtagilid – awtomatikong itinakda ang mga tinidor sa paunang natukoy na anggulo ng pagtagilid na nagbibigay-daan sa pare-parehong pagkakalagay, pagpoposisyon sa pagpasok/paglabas ng karga
- Dynamic stability system (DSS): tumutulong para maitaguyod ang pinakamagandang paggawa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng limitasyon sa bilis ng truck, pagbuhat, at bilis ng pagtagilid. Di-gaya ng sistema ng ilang modelong kapareho nito, walang piyesa na puwedeng ayusin
- Pagtukoy ng bagay: gumagamit ng LiDAR technology para tumulong na ipaalam sa mga nagmamaheho ang mga bagay na nakaharang at awtomatikong bumabagal ang trcuk para makita agad ng nagmamaneho ang posibleng panganib, kaya naisasagawa ang tamang proseso ng pagtatrabaho at napapanatili ang pagiging produktibo
- Nakakatulong ang kamera sa harap at display para makita ang paligid ng truck at suportahan ang nagmamaneho. Partikular na sa panahon ng pagmamaniobra mula pasulong tungo sa paatras.
Modelo | Kapasidad sa Pag-load | Load Center | Itaas ang Taas | Pag-on ng Radius | Pangkalahatang lapad | Bigat | Uri ng Engine | Paghahatid |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
GDP/GLP2.5N6 | ||||||||
GDP/GLP2.0N | 2000kg | 500mm | 8550mm | 2191mm | 1160 / 1280 / 1542mm | 3613kg | Yanmar 2.1L Diesel / Yanmar 2.2L LPG | Powershift 1-speed / Techtronix |
GDP/GLP2.5N | 2500kg | 500mm | 8550mm | 2263mm | 1160 / 1280 / 1542mm | 3990kg | Yanmar 2.1L Diesel / Yanmar 2.2L LPG | Powershift 1-speed / Techtronix |
GDP/GLP3.0N | 3000kg | 500mm | 8070mm | 2374mm | 1186 / 1353 / 1545mm | 4642kg | Yanmar 2.1L Diesel / Yanmar 2.2L LPG | Powershift 1-speed / Techtronix |
GDP/GLP3.5N | 3500kg | 500mm | 8070mm | 2449mm | 1186 / 1353 / 1545mm | 4910kg | Yanmar 2.1L Diesel / Yanmar 2.2L LPG | Powershift 1-speed / Techtronix |
Telemetry ng Yale Vision
Ganap na kakayahang makita at kontrol ng fleet
Nagbibigay ang Yale Vision ng real-time na pagsubaybay sa fleet para sa mas may kabatirang pagpasya. Nagbibigay ang solusyon ng madaling magamit na mga dashboard at analitika upang pamahalaan ang gastos, i-optimize ang pagiging produktibo at protektahan ang mga ari-arian.
Mga serbisyong may dagdag na halaga
Bahagi lang ng aming solusyon ang mga lift na trak
Idinisenyo ang aming mga serbisyong may dagdag na halaga upang tulungan kang masulit ang mga pamumuhunan sa paghawak ng materyal.