Pinili ng Chiltern Cold Storage Contracts Director, na si John Davidson, ang mga Yale trak matapos bisitahin ang 35,000 metro kuwadradong warehouse ng pasilidad ng produksyon ng trak sa Masate, sa Italy, kung saan sinabi niyang nakumbinsi siya sa matatag na kalidad at mga proseso ng pagsusuri bilang ebidensya.
“Isang bagay para sa aking matatag na kalidad. Matatag na binuo ang mga trak na iyon,” kinumpirma niya. “Mayroon ding matatag na proseso ng pagsusuri sa pabrika, gaya ng rumble strip test – talagang medyo matindi ito! Nabisita ko na ang iba pang lugar ng mga tagapagmanupaktura at hindi nakita ang mga bagay na tulad niyon.”
Sinabi ni Davidson na ang kapal ng plate na ginamit sa konstruksyon ng mga bagong MR reach na trak kasama ng kaunting paggamit ng marurupok na mga plastik na panel na karaniwang ginagamit sa ibang modelo ng kagamitan ay ang dalawang problema para sa kanya. “Talagang naitakda para sa amin ng mas lumang bersyon ng MR reach na trak na ginagamit namin ang pamantayan o benchmark – talagang matatag ito at humanga kami sa matatag na kalidad ng mas naunang modelo. Kaya alam namin na kung pinahusay iyon ng Yale, kailangang maging mas mahusay ang bagong MR reach na trak,” sabi niya.
Humanga rin siya sa ikinabit sa mga trak na proteksyon sa halumigmig – maliwanag na mahalagang usapin sa uri ng kondensasyon na nangyayari kapag paulit-ulit na pumapasok at lumalabas ang mga trak sa mga lugar na may iba’t ibang temperatura. “Kondensasyon ang pinakamalaking usapin sa alinmang reach na trak na labas-pasok sa malamig na imbakan, na kadalasang humahantong sa mga problema sa kuryente,” puna niya. “Ngunit sa mga trak ng Yale, wala kaming naging malaking problema.”