Inorganisa ng Dorna simula noong 1992, kasalukuyang binubuo ng 18 ikot ang MotoGP™, bumibisita sa 14 na bansa sa limang kontinente at sa loob ng mahigit pitong buwan lamang. May maikling turnaround sa pagitan ng mga kaganapan, at mahigpit na deadline ng paghahatid ng kargamento, mahalaga ang mahusay na logistics para panatilihing tumatakbo nang maayos ang MotoGP™ sa buong panahon nito. Karagdagan dito, sa pangyayari ng pagset-up ng paddock sa linggo na hahantong sa bawat kaganapan, at magaganap ang pagtanggal sa kasunod na mga araw pagkatapos ng karera, kailangang matapos nang tumpak, pangangalaga at sa pinakamabilis na oras na posible ang paglilipat ng mahahalagang karga.
Matagumpay na sinimulan ng Yale Europe Materials Handling at MotoGP™ ang kanilang pagsososyo sa bagong tatak. Salamat sa panandaliang sistema ng pagrerenta na inaalok ng tagagawa ng paghawak ng mga materyales.
Nangyari ang unang kaganapan na saklaw ng pagsososyo sa bagong tatak mula Agosto 4-6 sa Brno circuit sa Czech Republic.
Ginanap ng MotoGP™, ang FIM MotoGP™ World Championship, ang una nitong taunang kompetisyon noong 1949 at sumailalim sa maraming teknikal na pag-ulit at inobasyon mula noon. Ang seryeng ay ang tuktok ng kompetisyong pandalawahang gulong, at isang nangungunang sports at tatak na paglilibang na may malaking pandaigdigang pang-akit.
Sa mga kaganapang ito na nangyayari sa limang iba’t-ibang bansa, nakikita ng pagsasamahan ng tatak ng Yale® na nagtatrabho nang malapit ang pakikitungo sa mga lokal na dealer. Para sa pagbubukas na kaganapan, isa itong pinagsamang pagsisikap mula sa Yale CZ na lokal sa Czech Republic at LOG Systems sa Slovakia na sinisiguro na naihatid nang ligtas at nasa oras ang tamang mga trak para sa trabaho para sa kaganapang Brno.
Sa pinakamaagang yugto ng pagsasama ng tatak sa pagitan ng MotoGP™ at Yale, napag-usapan at naitatag ang mga kinakailangan ng lift trak para sa Championship. Dahil sa katangian ng kapaligiran ng MotoGP™, imamaneho ng iba’t-ibang operator ang mga trak sa iba’t-ibang oras ng araw at gabi. Kinakailangan nito ang tumutugon at maaasahang mga trak na mabilis na imaneho. Malinaw na sa mga pag-uusap na ito na ang pinakamahusay na pagpipilian para sa Dorna ay ang panandaliang paraan ng pagrenta na inialok ng Yale.
Sinabi ni David Reeve, Industry Manager, Counterbalance Solutions Yale na, “May hinihingi na mag-supply ng isang hanay ng saklaw ng trak sa limitadong panahon para sa bawat kaganapan, matipid na opsyon ang panandaliang programa sa pagrenta ng Yale, mainam na akma upang makaya ang mabilis, matindi, at mataas na trabaho na may mahigpit na mga deadline at may maikling abiso. Sa pamamagitan ng aming malawak na network ng dealer sa buong Europa may lubos kaming pagtitiwala na kaya naming ihatid ang tamang programa para sa Dorna.”
Para sa kaganapan ng Brno, inihatid ang mga trak nang pitong araw bago ang unang aksyon sa track, at ibinalik sa dealer tatlong araw pagkatapos ng karera. Kinakailangan ng Dorna ang iba’t-ibang uri ng mga lift trak na may kapasidad sa pag-angat na mula sa 2.5 tonelada hanggang sa 8 tonelada. Para makamit ang demand na ito, nagbigay ang Yale CZ sa Dorna ng isa sa bawat isang modelo ng GDP25LX, GLP35VX, GLP30MX, GDP70VX at dalawang GLP30VX na mga lift trak. Isang karagdagang GDP35VX na trak ang isinuplay ng LOG Systems.
Nasiyahan si Robert Berenguer sa kung paano nangyari ang unang kaganapan ng pagsasama ng tatak, “Kami’y labis na nasiyahan nang ang kasunduan ay unang inihanda sa pagitan ng MotoGP™ at Yale. Ang pakikipagtulungan sa isang matatag na tagagawa ng paghawak ng mga materyales ay nagbibigay sa amin ng malaking pagtitiwala sa kakayahang tumupad sa mga kinakailangan ng operasyon ng MotoGP™.”