Inalala ni Andreas kung paano pinagsama-sama ng dealer ng Yale, ang Avesco, ang tamang kabuuang package: bilang karagdagan sa maaasahan at may ergonomiya na mga trak mula sa Yale, kasama rin sa kasunduan ang isang limang taong kontrata na may opsyon ng mga pampalit na mga sasakyan pagkatapos ng panahong iyon. Binigyan ng Avesco ang Kimberly-Clark ng isang pangako na antas ng serbisyo, ayon kay Andreas, iginalang ng dealer ang bawat detalye. Available ang mga service technician sa biglaang abiso at madalas na ibinibigay ang mga pampalit na trak sa parehong araw.
Pinahalagahan ng senior management ng Kimberly-Clark kung paano nagawa ng Avesco at Yale na iangkop ang kagamitan ayon sa kanilang partikular na mga kinakailangan. Halimbawa, ang sistema ng exhaust after-treatment sa mga diesel na trak ay kinabitan ng heat protection foil para iwasan ang panganib ng sunog at ang mga sistema ng hydraulics at pagpapalamig ng tubig ay may karagdagang mga cooler para makayanan ang mabigat na gawaing operasyon. Kinabitan ang dalawang de-kuryenteng forklift ng mga bale clamp at isang mabigat na gawaing forklift ay mayroon pa ng mga panggupit upang putulin ang mga kawad sa mga bigkis ng mga basurang papel. “Wala sa bokabularyo ng dealer ang ‘hindi posible’, na sa palagay namin ay napakahusay,” paglalahad ni Andreas.
Pinahalagahan din niya ang pagkakaroon ng pagkakataong makipag-usap nang tapat at lantaran sa Avesco. “Maaari mong ihayag ang iyong opinyon at hindi mo kailangang magpasikot-sikot,” sabi ni Andreas. Nalalapat ito sa isang banda sa Kimberly-Clark, na kayang isulong ang anumang kinakailangan sa pag-maintenance ngunit totoo rin ito sa Avesco, na kayang ialerto ang Kimberly-Clark upang mag-iskedyul ng kasunod na kursong pagsasanay sa mga tsuper. Magkasamang nag-uusap dalawang beses sa isang taon ang supplier at ang kliyente tungkol sa mga oras na nagtrabaho, pagkasira, mga tuntunin at kundisyon. Isa pang positibo para sa Kimberly-Clark ay ang iisang punto ng kontak na ibinibigay ng Avesco: isang taong nagsimula ng kaniyang karera bilang isang mekaniko at alam ang pasikot-sikot ng negosyo.
Sang-ayon din ang mga operator sa Kimberly-Clark sa mga papuri sa mga kagamitan ng Yale. Nagmamaneho na ng mga trak sa Kimberly-Clark si René Känzig simula pa noong 1989. Isang bagay na gustong-gusto niya ay na maaari niyang kontrolin ang lahat ng function ng trak gamit lamang ang kanyang kanang kamay sa pamamagitan ng Yale AccuTouchTM mini-lever. Dinaragdagan ng air-sprung seat enhancer ang kanyang kaginhawahan, lalo na sa mahahabang oras ng pagtatrabaho, at nangangahulugan ang air conditioning na maaari niyang isara ang mga bintana ng cab. At kahulihan, mas napadadali ng pagkakaroon ng radyo ang trabaho niya at ng mga kasamahan niya.